Yung tipong ikaw at ako,
Yung tipong may tayo,
Yung tipong ikaw lang ang gusto ko.
Yung tipong ako lang din ang gusto mo.
Sabihin mo mang nahihibang na ako.
Sabihin mo mang magising na ako.
Sa kakapangarap na magiging tayo
kahit alam ko na sadyang walang tayo.
Kahit ilang beses ko mang aminin sayo.
Kahit ilang beses akong magmakaawa sayo.
Kahit ilang beses ko pang iparamdam sayo.
Alam kong ni minsan di naging ako sa puso mo.
Oo, gising na gising ako
sa katotohanang walang tayo.
O kay sakit mang isipin ngunit ito ang totoo.
Oo, kaibigan mo lang ako.
oo, kaibigan mo lang naman ako.
At sigurado akong walang ikaw at ako.
Kahit ilang beses ko pa ikaila na pwedeng maging tayo,
kaso sampal na sa akin yung walang tayo.
Bakit puso ko'y di matanggap na walang tayo
at ni minsan di magkakaroon ng tayo?
Tanga nga siguro ako.
Sa bawat tawag mo ng pangalan ko,
ang bilis ko sa paglingon sayo
baka sakaling may magbago
kaso ako'y tanga, tanga sa pagmamahal sayo.
Inubos oras kakabantayan sayo.
Maging pagiging tulay sa iniibig mo,
ginawa ko para lang mapansin mo presensya ko.
O kay sakit isipin na di ako pinili mo.
Ngunit masaya ako para sayo.
Ganon ako magmahal kahit di ako pinili mo,
at ni minsan di na magkakaroon ng tayo.
Pag-ibig ko mananatiling para sayo
kahit di ako yung para sayo.
Salamat dahil ako'y kaibigan mo.
Salamat dahil ako'y naging parte ng buhay mo.
Kahit kaibigan mo lang naman ako,
ang swerte ko dahil may parte ako sa puso mo.