Ang Kahapong Nais Kong Balikan

Words
199
Reading
1 min
Listen
Play
8y

prend
SOURCE

Sa pagdilat ng aking mga mata.
Mukha mo ang aking nakikita.
Ngiti mong makalaglag panty ang aking nadarama
Titig mong sa akin lamang at wala nang iba.

Di maipinta kasiyahang madarama.
Nagising ako na ikaw ang kasaama.
Simpleng almusal iyong inihanda
O kay sarap sa tuwina.
Isang tinapay na may itlog na maalat at atsara.
Ang simpleng iyon dulot ay totoong saya.

Ang swerte ko, sambit sa sarili ko.
Naranasan ko ang lahat ng ito.
Ni minsan di ko lubos maisip na mangyayari ito.
Yung minsang hiling na sana'y may gagawa nito.
At heto na nga,ito na nga ang pagkakataong inaasam ko.
Pag puso'y nagtiwala ay nagiging totoo.

Di ko inakala na pwedeng ikaw pala.
Pagiging single, di na alintana.
Sanay na akong mag-isa.
Pero nang dumating ka, biglang nagbago na.
Gusto kong gawin ang dating ginagawang mag-isa.
Gusto kong pasyalan lahat ngayon na ikaw ang kasama.
Oo, ang saya ko talaga.
Ang tanging hiling ay sana di na matapos pa.
Sa kabilang banda, ako'y nakarinig ng malakas na tinig ni ina.
Na ako'y gumising na.
Di ko inakala na panaginip lang pala.
Hanggang panaginip na nga lang talaga.
Sana'y di na ako nagising nang di na mag-iisa.

STEEMIT DIVERSIFY - NEW JULY 2018 FOR SD.jpg

Ang Kahapong Nais Kong Balikan | Ecency