Itoy ay pangunahing dahilan kung bakit ang tao ay nagsusumikap at ito rin ang dahilan kung bakit maraming namamatay dahil sa walang makakain at maraming nagkasakit dahil sa kakulangan ng pagkain. Ang marami sa atin ay nakagawa ng masamang Gawain dahil sa paghahangad na makakuha o makapambili sila ng pagkain para sa pamilya na nangangailan ng pagkain at Hindi nila alam na ito rin ang dahilan na sila ay mapahamak. Dahil sa walang pera pambili sa pag kain gagawa ng maling hakbang para lang may makakain,kahit anung gawin na masama para lang sa pagkain.
Hindi lingid sa atin na Hindi lang tayo dito sa pilipinas ang dumanas na walang pagkain buong mundo ay nakaranas ng gutom o walang pagkain. Kaya para sa atin na may kaunting pagkukuhaan para sa ating pagkain para sa pang araw araw nation kailangan pahalagahan natin at maging masinop tayo sa lahat ng pangangailangan natin, magsumikap tayong lagi para sa ikauunlad ng ating pamumuhay para may makakain ang ating pamilya araw araw,kailangan pahalagahan at huwag nating sasayangin ang bawat pagkain na nakahain, dahil ang ating Panginoong Diyos ang gumawa ng lahat ng biyaya na ibinigay sa atin,tayo lang ang nagtrabaho at nagpakahirap dahil sa pagkain pero ang dyos ang nagbigay sa atin ng panalangin para sa ikabubuhay natin.
Kaya dapat tayong magpasalamat sa kanya sa araw araw dahil Hindi tayo nya pinababayaan,binigyan nya tayo na panalangin sapat na pag kain para sa ating pamilya kahit na tayo ay makasalanan,wala tayong magagawa kung papabayaan nya tayo dahil sya ang lumikha ng lahat na nakikita natin dito sa mundo tayo lang ang ginawang kasangkapan pero sya ang may kakayahang gumawa,kaya sa bawat pagkain na nakahain sa ating mesa,lahat ng pagkain na isinubo natin,lahat ng pagkain na ibinigay natin sa ating pamilya dapat ay ugaliing magdasal sa kanya,kaya dapat sa bawat pagkain natin ay magpasalamat tayo sa ating panginuong dyos na laging gumagabay sa atin.
Dahil Hindi lahat ng tao dito sa mundo ay nabigyan ng sapat pangangailangan,marami ang umaasam sa karangyaan pero iilan lang ang nabibigya kaya itoy dapat nating pahahalagahan.