Dito lang ako,
Isang lugar kung saan magaan ang puso,
Isang tahanang kinagisnan,
Kung saan mundo ko'y isinilang.
Dito lang ako,
Kung saan malaya ang galaw ko,
Kung saan Walang nakakaalam ,
Malaya sa mata ng lipunan.
Dito lang ako kahit maliit ang paglagyan,
Malawak naman ang daloy ng isipan
Iniiwasan ang mga kompontrasyon
Balewala ang ingay nila doon.
Bakit nga ba ako'y nasa sulok?
Sabi nila'y masaya sa labas kesa magmukmok.
Marahil tama ang kanilang napag-alaman,
Pero ang sulok na ito'y aking ligtas na kanlungan.
Aalis din naman ako dito minsan,
Ngunit hayaan nyo ako't lumisan
Makapagpahinga, makapag-isip at makapagtanto,
At umunawa sa sarili at kilalanin ang tunay na ako.
I'm just here,
A place where my heart is light,
A place I call home,
Where my world was born.
I'm just here,
Where my moves are free,
Where no one knows,
Away from society's eyes.
I just have a small space here,
Where my mind flows wide,
Avoiding those probing confrontations;
Ignoring the noise from outside
Why am I in the corner?
They say it's fun out there than to be alone.
Perhaps they are undoubtedly right,
But to me this corner is a safe haven.
I'll leave here sometimes,
But let me be and leave me alone here,
Cause I'll just need to relax, think and realize,
I'll understand myself and know who I really am.