"Word Poetry Challenge #19 : Ulan"

Words
212
Reading
1 min
Listen
Play
8y

download (5).jpeg

Pinagmulan ng imahe: Google

Magandang araw sa inyung lahat!

Ako po ay lubos na nagpakasaya at muli akong nakapag steemit sa kabila ng napakabusy'ng mga skedyul. Narito po ang aking tulang handog sa inyong lahat.

Sumali po ako sa patimpalak ni kuya jassennessaj@jassennessaj.
DQmNRYDZiw1sMR3tcGhRXK5ydaax9SsF342h3SVETiYrimb_1680x8400.png

Hindi ko malilimutan ang mga masasayang araw nating lumisan
Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang mga ala- alang nakaraan
Munting isipan namulat sa aliw sa may putikan
Kaya sa tulang ito'y ating balikan ang araw na tayo'y nagkasama sa ulan.

Bata pa tayo noon nang makita kita sa may kakahuyan
Kasama ng ibang mga bata aliw na aliw sa larung tagu tagu-an

Sabay sa laro ang pagtitinginan na habul-habulan
Paano nga ba't ang pusong tuta nahalina sa iyong kagandahan

Nagkakilala tayo buhat ng ulan
Panahon na gustong gusto natin paglaruan
Kahit na mga palaka nakisabay sa ingay ng ating halakhakan
Nangangarap na sa pagtahan ng ulan di malilimutan ang pagsasamahan

Ngunit ang akalang magpakailanman
Gaya ng kulog na labis kong kinakatakutan
Sumapit na nagpalungkot sa aking pusong uhaw sa kasiyahan
Na kagaya ng ulan kailangan mong lumisan

Di nagpaalam na kailangan mo na pala akong iwan
Di nagpaalam na may dinadalang karamdaman
Di nagpaalam na may pagdurusang pinagdaraanan
Di nagpaalam kaya ako ngayon nakikisabay sa pag-iyak ng ulan

"Word Poetry Challenge #19 : Ulan" | Ecency