(
Kung aking wariin itong kalikasan,
Kandong-kandong tayo sa sinapupunan.
Ipinaghehele sa kanyang kandungan,
Ang ibinubulong "Matulog ka Mahal"
Sa ating pagtulog hangi'y umaawit,
Iba't ibang tono ang kanilang himig.
Ito'y pampalamig sa ating pandinig,
Upang sa paghimlay tayo'y maniginip
Ang dibdib ng gubat, angking kagandahan,
Sadyang sinisira ng mga suwail.
Inang kalikasan, kami'y patawarin,
Sa lahat ng kalapastanganan namin.
Kaya tao, kalikasan ay ingatan at mahalin,
Nilikha ng Diyos huwag nating sirain at abusuhin.
Ang lahat ng ito'y biyaya Niya sa atin,
Bigyang-halaga nang tayo'y pagpalain.