Nasaan Ka Aking Kaibigan

Words
143
Reading
1 min
Listen
Play
9y

Araw-araw tayo'y magkasama,
magkasama sa bawat araw na masasaya
sinasamahan ka sa bawat karera ng iyong buhay.
Sa bawat ng iyong kalungkutan ako ay nakahandang umalalay.

Ako ang iyong takbuhan sa bawat kailangan mo ng kaibigan.
Handa akong makinig sa bawat mong hinanakit.
Handang iaalay ang oras sa bawat na ako'y iyong kailanganin.
Kaibigang iyong iniiyakan, sa bawat ikaw'y sawi.
Narito ako handang makinig ng iyong soloobin
At handanh yakapin at patahanin ka.

Ngunit ngayon ikaw'y nasaan?
Nasaan ka sa bawat pagpatak ng aking luha?
Nasaan ka sa oras na kailangan ko ng isang kaibigan na yayakap at handang makinig ng aking kalungkutan.
Nasaan ka sa bawat ako naman ang may pangangailangan?

Ikaw ba ay wala ng oras sa akin?
O sadyang ako'y iyong kinalimutan sa oras na ako naman ang may kailangan sa iyo?


Photo credit to pixabay

Maraming Salamat sa Pagbisita

image

Nasaan Ka Aking Kaibigan | Ecency