Hanggang Panaginip Lang

Words
138
Reading
1 min
Listen
Play
9y

Akoy' nakaupo sa sulok, nakatingin sa dakong silangan
kung saan ikaw ay hinahanap ng aking puso at isipan.
Iniisip na tayo'y masayang magkasama,
magkahawak ang mga kamay habang naglalakad sa gilid ng karagatan.

Masayang naghahabulan, nag ku-kwentuhan ng mga nararamdaman sa isa at isa.
Hinahawi mo ang aking buhok na kumakalat sa aking pisngi,
hinahalikan mo ang aking noo, ilong, pisngi hanggang sa lumapat ang ating mga labi isa't isa.
Nagyayakapan ng mahigpit, nagpaparinigan at palakasan ng tibok ng puso.

Tayo ay masaya,
Masayang masaya sa bawat sandali na tayo'y magkasama.
Tila walang bukas at nanalangin na sana huminto ang oras at panahon para sa ating dalawa.
Sabay tayong nakatingin sa papalubog na araw sa tabing dagat.

Pagdating ng dilim...
Ikaw'y biglang naglaho,
Panaginip lang pala.
Panaginip na kay sarap balik balikan sa aking isipan.


photo is mine