Bibili Ka Ba Ng Hotdog Kung May Hotdog ban?

Words
109
Reading
1 min
Listen
Play
8y

IMG_20180802_200401.jpg

"Bibili ka ba ng hotdog kung may hotdog ban? Tapos may multa pang P20.00." Ito ang mga katagang narinig ko s mga studyante kanina habang ako ay kumakain sa isang karinderia.

Nung pagtingin ko sa kanilang karatola, oo nga naman. May punto ang mga studyante na pumasok kanina. Nakakatuwang isipin ang lohika nating mga pinoy. Pero mas nakakatuwa ang kanya-kanyang ekspresyon at interpretasyon sa mga kataga o larawang ating nakikita.

Sa halip na mainis, ako ay pansamantalang naaliw dahil sa taba ng mga utak at imahinasyon ng mga kabataan sa panahon ngayon. Sana ito ay magamit sa tama at maging mga asset ng sambayanang pilipino..

Hanggang sa muli ❤❤

Bibili Ka Ba Ng Hotdog Kung May Hotdog ban? | Ecency