PILIPINO COMMUNITY ON ITS FIRST 5 DAYS

Words
536
Reading
3 min
6y
Listen to this post
~4 min

Magandang araw po sa lahat ng mga Pilipino na nasa Hive.

Ito po ang ulat sa unang limang araw ng ating pag-iral sa loob ng mundo ng #hive. Kami po ay nagagalak na sa loob lang ng limang araw ay may mga nagsimula ng maglathala ng kanilang mga isinulat at bidyo.

Ang account po na pilipino@pilipino ang namamahala sa kumunidad na ito. Amin pong nalalaman na maliit pa ang Hive Power ng account na ito upang tumaas ang upvote value, ngunit kami po ay positibong dadami pa ang magdedelegate sa account na ito upang tulungan iangat ang mga panulat sa wikang pilipimo.

Kami po ay naniniwala na sa pagkakaroon ng mga lathalang nakasulat sa sariling wika ay pagmamahal sa sariling bansa. Kami po ay taas noong nagtataguyod ng wikang Pilipino upang ang karunungang Pilipino ay maitanyag sa buong mundo.

Hindi po nakikita lamang sa dami ng mga upvote ang kagandahan ng mga akda o lathala, kundi sa bawat karunungang nakapaloob dito at sa puso ng lumikha nito.

Kami po ay naninwala na darating ang araw na maraming makakapansin sa kumunidad na ito at sila ay magbabahagi ng kanilang Hive Power upang suportahan ang bawat akdang Pilipino.


MIYEMBRO NA NAGSUBSCRIBE SA PILIPINO COMMUNITY

Sa unang limang araw po ay may bilang na dalamput isang miyembro ang Pilipino community. Narito po ang listahan.

jwynqc@jwynqc, judyannegamis@judyannegamis, rowee22@rowee22, jrxplorer@jrxplorer, ar2r@ar2r, picsart@picsart, heracleia@heracleia, ayeneya@ayeneya, pinoysports@pinoysports, unlisteemersph@unlisteemersph, iameden@iameden, dashand@dashand, jurich60@jurich60, kristianoako@kristianoako, diosarich@diosarich, valiantegg@valiantegg, godlovermel25@godlovermel25, sarimanok@sarimanok, unlisteem@unlisteem, coolarth@coolarth, pilipino@pilipino

Sa mga Pilipino sa buong hive, halina kayo at magsubscribe na sa ating kumunidad. Lahat po ng kasali sa #hiveph ay inaanyayhan ko rin sumali dito dahil iisa lang naman po tayong lahat dito sa hive.


ANG MGA UNANG NALATHALA SA PILIPINO COMMUNITY

LARAWANTITULOSUMULAT
Sadyang Kay Lupit Ng Tadhana (Spoken Poem)sarimanok@sarimanok
REPLIKSYON ni diosarich [Orihinal na Tula]diosarich@diosarich
SA PANAHONG NG KAHIRAPAN AT KAGULUHAN, ANO ANG DAPAT NATING GAWIN?picsart@picsart
Tokneneg/ Filipino Street foodrowee22@rowee22
UHAW ni @diosarich [Simpleng Tulang Orihinal]diosarich@diosarich
MUNDOayeneya@ayeneya
Ang Dahilan Ng Dios Sa Pagbibigay Ng Buhay (Video File)coolarth@coolarth
Panandaliang Kasiyahanflordecar26@flordecar26

Maari ninyo pa pong suportahan ang mga post na ito.


SALAMAT PO SA MGA NAGDELEGATE

Nagpapasalat po kami sa mga nagdeligate kay pilipino@pilipino upang maipagpatuloy ang proyektong ito.

DELEGATORDELEGATED
roomservice@roomservice5 HP
giftgiver@giftgiver21 HP
botante@botante50 HP
ar2r@ar2r57 HP
olivia08@olivia08100 HP

Kami po ay patuloy na humihingi ng suporta sa may mga extra na Hive Power na magdelegate kay pilipino@pilipino upang ating mabigyan ng reward ang mga manunulat na Pilipino.


TRAIL VOTE

Meron po tayong labing isang account na nakatrail kay pilipino@pilipino. Upang matulungan natin ang mga pinoy dito sa hive sana po ay magtrail po tayo kay pilipino@pilipino. Ang mga website po na pwede ninyong gamitin para makatrail ay ang hive.vote at rewarding.app. Sign-in lang po kayo, gamitin ang hive signer.


FACEBOOK GROUP

Meron na po tayong facebook group na PILIPINO HIVE COMMUNITY. Sa mga nagnanais po na makasama sa grupo na ito ay PM ninyo lang po si coolarth@coolarth. Magmessage Dito.


To all the whales in this vast hiveworld, you can help the Pilipino in pursuing their passion for writing by supporting Pilipino community by upvoting post here or by means of HP delegation.



Ang inyong lingkod,
pilipino@pilipino

PILIPINO COMMUNITY ON ITS FIRST 5 DAYS | Ecency