DESISYON : ISANG MAIKSING TULA

Words
108
Reading
1 min
8y
Listen to this post
~1 min

forgive-yourself.jpg
Photo Credit

Hindi talagang madaling kalimutan ang pout at sakit,
Ngunit ' napakadaling magtanim ng pait at galit.
Hindi rin madaling makalimot,
Ngunit 'di madaling mabuhay
kung nasa loob mo ay puro poot.

Ano pa kaya ang dapat nating ipaglaban?
At ano na ba ang dapat nating kalimutan?
Walang kasiguraduhan dito sa mundo ang mga bagay,
Kaya pa kayang puso't isipan maging matatag at mabuhay?

Lahat ng ito ay nakasalalay sa ating mga desisyon,
Dapat lahat ng iniisip ay sumang-ayon.
Kailangan lang natin maging magpatawad,
Dahil ang Diyos ay iyon ang isinaad.

Please follow and support our very own surpassinggoogle@surpassinggoogle, bayanihan@bayanihan and teardrops@teardrops. VOTE steemgigs@steemgigs as your witness!

DESISYON : ISANG MAIKSING TULA | Ecency