Isang magandang araw sa inyong lahat! Nais ko lamang ibahagi sa inyo ang aking tula para sa patimpalak ni @jassennessaj na may temang Maskara.
Medyo napapanahon itong tulang aking nagawa. (Base sa aking karanasan).
Sana ay inyong magustuhan! :)
MASKARA
Masayang pagsasamahan,
Pagkakaibigang ‘di matumbasan.
Mga alaalang nagdaan,
’Di malilimutan kailanman.
Ngunit ika’y nagbago,
Loob mo’y tila lumayo.
Samahang ating binuo,
Tila ba’y nakalimutan mo.
Nakita kitang masaya,
Ngunit hindi ako ang iyong kasama.
Tinitigan kita sa’yong mga mata,
Lumihis ka ng tingin, para bang ‘di mo ako nakita.
May nagawa ba akong mali?
Komunikasyon nati’y nabali.
Kailan kita makakausap muli?
Pangako ako’y babawi.
Ako’y napaisip bigla,
Tunay ka bang talaga?
Ang iyong mga pinakita,
Ay may katotohanan ba?
Ngayo’y aking napagtanto,
Ako ay iyong niloko.
Nagtiwala ako sa’yo,
Sa pagkakaibigang inalay mo.
Tunay na kaibigan, ka’y hirap hanapin.
Pagiging totoo laging isipin.
Huwag manakit ng damdamin,
Maskara mo’y iyong hubarin.
Maraming salamat sa inyo! :)