Mayroong nasa itaas mayroon ding nasa baba
Ikaw bay saan na uuri, ikaw bay nasa gitna
Bakit di mapatugma ang mayaman sa dukha
Gayung kahit isa sa salaping hawak nilay wala ang kanilang mukha
Kilala sa lipunan, sagana at hitik sa yaman
Maraming bahay, kotse at ibang mga ari-arian
Samantalang ang ibay naghihikahos at salat
Ang kinikitay kapos kahit sa pangkain ay di sapat
Walang masama sa pagiging masipag
Sa pagpupursigi masilayan lng ang liwanag
At lalong di kasalanan ang maging mahirap ang buhay
Sadya lang kulang ang pa ang tiyagang iniaalay
Nasa itaas ka man sanaý matutong yumuko
Lumingon sa paligid, at makipag kapwa tao
Wag mong isisi sa iba ang iyong pagkabigo
Hiwalay kayong isinilang kaya magkaiba ang inyong estado
thank you for reading...
photo credits:
source:
To vote my witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses or simply click Here to do it on one click!
If you want me to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy.