"LDR STATUS"

Words
56
Reading
1 min
9y
Listen to this post
~1 min

IMG_4626.JPG
Mahal ko,
Kahit ika'y malayo,
Ako'y nagsusumamo sayo,
Sila'y balewalain mo.

Gusto nila tayong magkalayo,
Masira ang relasyong tinatago,
Ayoko sayong mapalayo,
Pagkat puso ko'y napapako.

Ako sayo'y umaasa,
Na sila'y iwasan na,
Pag-ibig ko sayo'y nakatalaga,
Nang buong puso't kaluluwa.

Pagpasensyahan mo na ako,
Sa taglay kong paninibugho,
Ito ay sumisimbolo,
Sa pagmamahal kong taos-puso.

"LDR STATUS" | Ecency