Hi mahal ko

Words
94
Reading
1 min
Listen
Play
8y

Untitled.png

Hi Mahal ko ito nanaman tayo, bagong buwan ng sayaw el bimbo, sabay na umiindak sa magandang tono, sa oras at panahon na hindi nagbabago.

Hindi ko man mapangako na palagi tayong masaya, pero palagi mong isipin na mahal kita, damhin mo ang pabago bagong nota, dito tayo tumitibay saating indak at chacha.

Mahal marami pang sayaw ng buhay ang ating dadaanan, higpitan ang kapit kapag ang isa’y nahihirapan, sapagkat ang sayaw ng buhay ay talagang ganyan, kumapit ka lang hanggang matapos ang walang hanggang tugtugan.

ito ay orihinal kung tula

Keep Rhyming 🎶💖

Hi mahal ko | Ecency