Magandang umaga sa inyong lahat!
Ito nga pala ang aking unang pagpasok sa paligsahang ito ni @jassennessaj,na kung saan ay kailangan gumawa ng tula gamit ang temang "AKING INA"
ginawa ang tulang ito alay sa aking ina nung nakalipas na araw ng mga ina..
Orihinal na likha ni khylled24
Sa iyong paglisan ay lubos kaming nag luksa
Di mo man nais kami ay iwan ngunit walang magagawa
Ito siguro'y kaloob ng may kapal kaya ikaw samin ay kinuha
Naiwan kaming mga mahal mo,na ngayo'y ay umaasa
Na sana ikay muling pang mayakap at ngayun ay mahahagkan pa
Salamat sa lahat ng iyong sakripisyo at pag aaruga
Noong kami ay sanggol at musmus pang mga bata
Wala mang yaman sa amin ay naipamana
Ang edukasyon at mga pangaral mo samin ay sapat na
Para samin itoy di matutumbasan ng salapi o pera
Ang maging anak mo,at ina sa amin ay tunay na dakila
Salat man tayo sa buhay sa pagmamahal mo ay sagana
Ang iyong pagsinta sa araw araw ay lubos mong ipinadarama
Na di matutumbasan ng karangyaan ang pagmamahal sa akin at sa buong pamilya
Ngayung araw ng mga ina ako sayo'y may inihanda
Na sana ay iyong maibigan ang nilikha kung tula
Nang pagpapasalamat at labis ko po sa inyong pangungulila
Kahit alam ko kayu ay nasa langit na ay inyo itong makikita
Na habang ginagawa ko itong tula,sa aking mata'y may pumapatak na luha
Maraming salamat po ina,sa ating muling pagkikita