Pusong Umaasa (MyOriginalComposition)

Words
104
Reading
1 min
Listen
Play
9y

DCB40B46-B5F2-4D87-9245-D6C025EC577E.jpeg

Panakip butas
Kung ituran
Pag-ibig kong hinihirang
Lagi na lang umaasam

Na minsa’y maambunan
Nang oras mong kay ilap
Naghihintay na mayakap
Sa t’wing ika’y iniiwan

B9586E02-3CFB-44E0-9D2C-A7C6F211ED4F.jpeg

Lungkot ay mababakas
Kay lupit mo Kapalaran
Ako ba’y kaibigan lang?
O wala ka talagang pakiramdam?

Kailan mo ba mapapansin
Ang mga matatamis kong sulyap
Makasama ka’y pinapangarap
Sa piling ko magpakailanman

C404826A-752D-4B0D-8E91-8B8EEFB50FA4.jpeg

Ang puso kong umaasa
Mangungusap ng kusa
Nais ipabatid sa’yo
Tinatagong pagsuyo ko

Panalangin ko sa Maykapal
Nawa’y sagutin aking mga dasal
Suklian ang aking pagmamahal
Ng sinisinta kong kay tagal-tagal

7726D4CA-A744-44F1-A7B0-0D23E20B8843.jpeg

Hope you like my poem 😘
Thanks for dropping by!

UPVOTE and COMMENT

FOLLOW khat.holanda23@khat.holanda23

Pusong Umaasa (MyOriginalComposition) | Ecency