"MADILIM"
Madilim
Wala akong makita.
Gusto kong kumapit at magsalita,
Subalit takot ang bumabalot sa aking sistema.
Gusto kong sumigaw at magsumbong,
Gusto kong maglakad,
Ngunit natatakot akong madapa.
Gusto kong makita ang liwanag na sinasabi nila.
Ngunit nakakatakot ang mga tawa nila.
Liwanag? Meron pa ba’ng liwanag?
Bakit wala akong makita?
Bakit lagi kang wala?
Bakit sa tuwing hinanap kita’y nagtatago ka?
Ayaw mo ba? Ayaw mo ba akong bigyan ng pag-asa?
Kaibigan? Pamilya?
Sino sila? Wala akong maalala.
Hindi ko sila kilala.
Nag-iisa lang ako,
Nag-iisa sa kadiliman.
Nag-iisa sa lahat.
Napakadilim.
Gusto kong pumikit,
Gusto kong matulog ng panghabang buhay.
Gusto kong pagpahinga dahil nakakapagod na.
Hindi ko na kaya.
Yayakapin ko na ang kadiliman.
Dahil mula simula hanggang huli,
Nandyan siya at hindi ako iniwan.