(Photo is not mine, credits to the owner. Source:http://www.essentialbaby.com.au/conception/fertility/men-need-infertility-support-too-20140514-389wx)
Chatmate
by: @kfineee
Pagsapit ng umaga,
Cellphone agad ang kinuha.
Nakita kitang nakangiti,
Mga labi'y kusang ngumiti.
Hala bakit ganito?
Yung puso ko'y sobrang gulo.
Maingay parang may tumatakbo.
Nasilayan lang ang mukha mo.
Nakangiting bumuo ng mensahe.
"Magandang umaga binibini!"
Hindi ka online alam ko,
Ngunit umaasa ako na mabasa mo to.
Naalala mo ba?
Noong unang beses na nagreply ka?
Ang saya ko nun sobra,
Lumilipad na puso ang aking nakikita.
Naalala mo ba?
Yung mga araw't gabi,
Na nag-uusap tayong dalawa.
Yung mga palitan natin
Ng masasayang mensahe.
Yung mga paglalambing,
At mga pagtatampo mo.
Yung mga panunuyo ko.
At higit sa lahat,
Naalala mo pa ba?
Noong ipanagtapat ko na "Gusto Kita"
At sumagot ka na, "Gusto mo rin ako"
Mga puso nun ay lumilipad,
Hiniling ko sa tala, na sana ito na.
Na sana ikaw na.
Ngunit lumipas ang mga araw, gabi, buwan hanggang naging taon.
Anong nangyari mahal ko?
Anong nangyari sa mga pangako mo?
Akala ko ba merong tayo?
Pinaasa mo lang ba ako?
Dahil heto pa rin ako,
Heto pa rin naghihintay sa pagbabalik mo.
Heto pa rin umaasa ang puso ko.
Sana pala inuna kong kinuha yung lugar kung saan ka nakatira.
Sana pala hiningi ko ang mga numero mo.
Dahil walang akong ibang alam bukod sa pangalan mo. Oo kasalanan ko.
Kaya bumalik ka na mahal ko. Hirap na hirap na ang aking puso.
Ito na ba ang sinasabi nila?
Pansamantalang kilig?
HashtagAngsakit.