ANG LUMA KONG TULA: PAYONG

Words
181
Reading
1 min
Listen
Play
6y

Kumusta mga kababayan,

Ibahagi ko sa inyo ang aking tula na ginawa ko mga pitong taon ng nakalipas. Na sulat ko ito ng nasa paaralan ako kung saan pumapasok ang
dalawa kong apo ko at ang lakas ng ulan may dala pang kulog at kidlat, baha na din sa iba't ibang bahagi ng Olongapo City noong oras na yon, ang mga nasa tabing ilog dahil ito'y umaapaw na.

IMG_20200523_165929.jpg

PAYONG

Ulan Ulan Ulan!
Heto kananaman
Nawala ang tindi ng init
Ikaw nanaman.

Kaya sandata kong payong
Napilitan kong bilhin sa
SM - sa Muslim, 50 pesos lang mura na
Lumakas si hangin, Warak na!

Bumili akong muli, 120 na
Up graded na di ba, 2 katao kasya
Sus, ano ba yan! Umaga binili
Hapon wala na! Nakalimutan!

Pangatlong bili ko na ito...
Oh, payong.

By JDC 6/10/2013

IMG_20200523_172216.jpg

Yan yong bumili ako ulit kasi mag nag aalok sa loob ng hintayan ng hatid sundo sa mga estudyante. Di ko na bilang sa isang taon ilang payong nabibili ko. Kayo ganon din ba?

Salamat sa pag daan at binasa itong aking munting alaala.

received_709825929767277(1).gif

ANG LUMA KONG TULA: PAYONG | Ecency