Magandang araw, mga kaibigan!
Gusto ko lamang ibahagi sa inyo ang isang maikling tula na aking ginawa ngayon.
Sana ay magustuhan nyo ang tulang ito, kahit na ito ay maikli lamang.
Itong tula ay inihahandog ko sa taong minsan na akong napahanga sa kanya.
At ang tulang aking ginawa ay aking pinamagatang, "-it".
-it
Tulad mong kay liit,
napakacute parang ibong pipit.
Dibdib ko'y parang iniipit,
sa tuwing ika'y lumalapit.
Bibig ko'y parang pinipilipit,
kaya't mga salita'y di masambit.
Gusto ko nalang munang pumikit,
at yakapin ka nang mahigpit.
Salamat at muli, sana ay nagustuhan nyo po itong aking gawa. :)