Hello everyone!
In this post, I'm going to share some tagalog spoken word poetry I made a while ago.
Sorry if this drawing is not that good because I'm not actually good when it comes to drawing and also, lettering. I just made this because I want to somehow enhance my skills in drawing. And I also made this because I don't want to search some pictures in Google that is related to the poetry I made hehe.
Sa aking pagmulat...
Umupo ako sa silya,
sumandal at pumikit.
Nang kinalauna'y
naramdaman ko ang tamis ng iyong labi.
Pagmulat ko,
mukha mo ang aking nadatnan.
Ang matamis mong ngiti,
pati na rin ang 'yong matang kumikintab.
O kay sarap mong titigan,
kay sarap pagmasdan.
Para bang isa kang tala sa langit,
hindi nakakasawang tingnan.
Sa tuwing tayo'y magkasama,
o kay sarap at kay saya.
Na pawang ikaw at ako'y,
nagbibisikleta papunta sa langit.
Pangalan mo,
pangalan ko.
Bagay na bagay
na yata tayo.
Ramdam na ramdam ko,
ang pagtibok ng puso ko,
sa tuwing ika'y naglalakad
at papalapit sa akin.
Di ko na mabilang ang araw
na nakasama ka.
Di ko rin na mabilang ang araw
na masaya ako dahil kasama ka.
Sinubukan kong lumingon
sa mga araw na yun.
Ngunit, tila ba'y
nagkamali ako.
Dumating ang isang problema,
na kung saan ito ang sisira sa atin.
Isang problema na,
di na natin malulutas at malalampasan.
Naramdaman ko ang luha at pawis
na sa akin ay tumatagaktak.
Di ko mawari kung bakit ganito,
biglang dumilim ang paligid.
Sa wakas, pagmulat ko,
nakaupo pa rin ako sa silya.
At dun aking natanto,
isa ka lamang palang panaginip.
Thank you for reading! I hope you guys like this and have a nice day everyone! :)