Word Poetry Challenge #20 : Tulay

Words
260
Reading
2 min
Listen
Play
8y

5055-27416-50jpg-620x.jpg


From : https://www.japanator.com/50-most-memorable-anime-moments-of-2012-27416.phtml

Tulay


Akdang Tula orihinal na komposisyon ni joco0820@joco0820.

Sa Tulay kung saan naka himlay
Isang ala-ala na hindi mamatay-matay
Ala-alang nagdurog ng aking buhay
Pagkababae koy inabuso at akoy hinalay

Tulong! Tulong! sigaw ko habang nasa ilalim
Habang nakatutuk sa akin isang matulis na patalim
Hindi ko maaninag kung ilan sila dahil sa dilim
Mga pito o siyam, basta sila ay higit sa anim

Jeeeeggg! ang damit koy sapilitang pinunit
Habang yung dalawa ay ginapos ako ng mahigpit
Inay! Itay! pakawalan nyo ako, sigaw habang akoy piit
Nagmamakaawang may makarinig sa malapit

Sa tulay nato binaboy ang pagkababae ko
Ng mga lalaking alagad ng demonyo
Mga lalaking walang hiya walang modo
Sa tulay nato pinagsamantalahan ang pagiging minor edad ko

Ang pagiging berhin ko ay panagtutulungan nila
Na sanay alay ko sa aking mapapangasawa
Walang hiya! hanggang ngayon hindi parin mawala-wala
Ala-ala ng tulay nato at aking pagkabata

Pero sa bawat pagdaan ng maraming panahon
Ang tulay nato ang nagsisilbing inspirasyon
Na palaging magiging matatag sa ano mang kondisyon
Magiging matibay sa ano mang hamon

Ilan mang bagyo ang dumaan sa buhay
Mananatili akong matibay tulad ng tulay
Kahit anong dugok ang dumaan sa ating paglalakbay
Tandaan may panginoon sa ibabaw ng tulay handang gumabay


Ang tulang ito ay tungkol sa babaeng may malungkot na karasan sa tulay a kalaunan ay naging inspirasyon nya para magpatuloy sa buhay na maging matibay tulad ng tulay.

Sanay nagustohan nyo ang ginawa kong tula. Kahit huli na sa paligsahan ni Ginoong jassennassej@jassennassej. Maraming Salamat po !!! Wag kalimutang mag;

RESTEEM | SUBSCRIBE | FOLLOW

Word Poetry Challenge #20 : Tulay | Ecency