Para tayong tubig at langis
Pilit mang magkaisa ay di maiwagkis
Na kahit kailan ay di pwedeng magsama
Kahit gano pa natin ka mahal ang isa’t isa
Para tayong langit at lupa
Kahit magkatapat ay di maglapat
Umaraw man o ito’y umulan
Di mag abot bawat kandungan
Para tayong papel at gunting
Kahit san sa dalawa ang ihambing
Palaging may isang masasaktan
Palaging may isang bibitawan
Para tayong aso’t pusa
Di pwedeng sabay ang pag aruga
Away dito, away doon
Pinaglipasan na tayo ng panahon
Para tayong alak at desisyon
Di pwedeng ipagsabay bawat aksyon
Palaging mali ang kahahantungan
Di na pwedeng bawiin at kalimutan
Para tayong lapis at pambura
Palagi naman silang magkasama
Pero parating mali ang isa
Kaya ito tinatama matapos mabura
Para tayong gatas at kape
Parating mainit pag magkatabi
Pero lagi nalang may nasasaktan
Laging may napapaso pag di naihipan
Gusto kitang makapiling at makasama
Makita sa bawat pag gising sa umaga
Pero sadyang tayo’y pinagtagpo lang
Kahit kailan ay di tinadhana
Ang akdang ito ay walang titulo
Parang ikaw at ako sa mundo
Buhay pero di mapayapa
Humihinga pero di malaya
by: @jeraterta