"Word Poetry Challenge #1 : Huling Sayaw"

Words
69
Reading
1 min
Listen
Play
8y

images.jpg

BlogPostImage
Image Source(direct link to img)

Nagsimulang tumugtog ang banda
ang lalaki ay tumayo at lumapit
sa babaeng kanyang minimithing makamit

nagbigay galang
inabot ang kamay
nagpahintulot ang dilag

at sila ay sumayaw
sa saliw ng kantang pahapyaw
lahat ay napalingon

hindi lamang sa galing
ng kanilang pag giling
sa saliw ng tugtog

kung hindi sa pagmamahal
na mararamdaman
sa kanilang kilos

lahat ay nakatitig
hanggang sa kanilang
huling pagsayaw