Ang bulaklak na ito ay isang napakagandang alala ng aking pagkabata.
Nung bata pa ako isa itong bulaklak na ito sa mga lagi kong nakikita tuwing gumagala kami sa bukid. Iyong mga oras na hinahanap na kami ng mga nanay namin pero nandun pa kami sa bukid umaakyat sa puno ng arateris o di kaya nanghuhuli ng mga tutubi.
Ang sarap alalahanin ang nakaraan.
Sana ay nagustuhan ninyo. Maraming salamat sa pagbisita.