Napakahirap magtrabaho kung sisimangutan natin yan. Mabigat lahat ng klase ng trabaho pero kung gagawin nating positibo ang lahat magagawa nating pagaanin ito. Di natin maiiwasan magreklamo lalo na kung hapong hapo na tayo pero kung iisipin natin yung magiging bunga ng ating pagsisikap magagawa nating ngumiti parin.