Kabataan noon at kabataan ngayon...

iyam(44)
Published in
#tula
Words
113
Reading
1 min
Listen
Play
9y

Ang mga kabataan noong unang panahon,
Masinop, masipag at mahinahon,
Masunurin at magalang sa mga magulang,
Kayang mag sakripisyo at mapagkakatiwalaan.

Ngunit ang ibang kabataan ngayon,
Hindi pahuhuli sa uso at mga cartoon,
Maagang pumapasok, pag-aaral ang kanyang tukoy,
At pag-uwi niya sa enternitan agad ang tuloy.

Ang mga kabataan noong unang panahon,
Madaling matakot lalo na sa mga maton,
Palagi silang nagsisibak at nangunguha ng kahoy,
Upang sa pagluluto kalan ay magka-apoy.

Ngunit ang iba sa mga kabataan ngayon,
Kaagad nagtitiwala sa mga kaibigan,
At sumasama sila sa mga barkada,
Kaya minsa'y buhay nila ay napupurnada.


source


source

Tula mula sa puso!
Sana'y magustuhan nyo!
Maraming salamat mga kaibigan!

UPVOTE!
COMMENT!
RESTEEM!

Kabataan noon at kabataan ngayon... | Ecency