Ang Ngiti...

iyam(44)
Published in
#tula
Words
112
Reading
1 min
Listen
Play
9y

Ang matatamis mong mga ngiti
Gamot sa nagdadalamhati,
At nakawawala rin ng hapis,
Sa mga taong naghihinagpis.

Kaya sana'y huwag ipagkait,
Ang mga ngiti mong kaakit-akit,
Sa bawat makasalubong mo,
Ito'y ligaya ang tanging hatid.

Nakakahalina kang pagmasdan,
Sa mga ngipin mong pantay-pantay,
Hatid mong ngiti sa bawat isa,
Ang lungkot ay saglit napaparam.

Ang tanging lunas sa mga kawalan,
Ay ngiti mong lagi na kay inam,
Bawat problema na hinaharap,
Isang ngiti mo lang ang katapat.

Kahit may problema, man o wala,
Tanging ngiti lang sa tuwina,
Ang magbibigay ng pag-asa,
At saya lagi ang madamarama.


source

Sana magustuhan nyo!
Salamat sa pag follow iyam@iyam
UPVOTE!
COMMENT!
RESTEEM!

Love, iyam 💕