Sa Kumunoy Ng Iyong Patibong

Words
69
Reading
1 min
Listen
Play
8y

Kumunoy ang iyong patibong,
na kapag ika'y napatapak sa lupang
akala mo'y may tibay, ikaw ay
biglang lulubog at unti-unti kang
lalamunin ng malambot na lupa!

Wala ka man lang labang makaaalpas
sa patibong na ito, ganoon ang ginawa mo sa akin,
ganoon ka mapangahas, ganoon mo ako
nilunod ng iyong kahibangan.

quicksand
SOURCE

Sa anong dahilan mo ako gustong
lapastanganin? Gayong ang moog mo'y
singtibay ng marupok mong kaisipan?!

STEEMIT DIVERSIFY - NEW JULY 2018 - iwrite.jpg

Sa Kumunoy Ng Iyong Patibong | Ecency