Hapo ang hapong iyong,
di ko na alintana ang kanyang
marikit na kinang sa kalawakan,
magbabalik na siya sa kanyang pinanggalingan,
at ang gabi naman ang maghahari
ngunit siya' madilim, mahirap mong
makita kahit man lang anino,
ganito rin ang huling sandali ng
ating pagtatakipsilim.
Tinatanaw natin ang kinang nito sa tuwing
siya'y lilitaw at lulubog tuwing hapon,
malupit siya sa katanghalian sa tindi ng
kanyang ibinubugang init, waring
maluluto ka sa init at sa tuwing hapo'y
wala na siyang liyab na makasisira
ng balat o dagliang makatutuyo ng damit!
Nasa pagitan nito'y mga bagay na
ating gustong malaman ngunit
kapos ang ating kaalaman sa ano mang
namamagitan ng liwanag at ng dilim,
ang alam lang natin ay ang pagtatakipsilim
ay panibagong paghahanda sa magdamag
kapag ito'y sumaklob na sa ating paningin!