Paano Na

iwrite(58)
Published in
#poetry
Words
129
Reading
1 min
Listen
Play
8y

changes
pixabay

Oo nga, paano na,
lagi na lang ba tayong ganito,
lagi na lang bang kakailanganin kita, gayong kaya ko naman,
kahit wala ka pa noon, ganito na ako noon pa,
kailangan ko pa bang magbago para sa iyo?
May malaking dahilan ba kailangan kong gawin iyon?

Oo, talaga, paano na,
lagi na lang bang tayong walang pinagkakasunduan,
kahit nga sa loob ng bahay natin maraming saksi:
nariyan sina ipis na laging may radar, si bubwit na laging
di nabubusog, nariyang si lamok na parang bampira,
sila ang laging nakaririnig ng angil mo, ng ingay mo,
ng gusto mong gawin sa buhay natin, oo, sila nga,
mabuti pa sila walang iniisip na tulad natin,
kaya paano na kung ako kaya'y isang kulisap,
hayop o bato? Paano na kaya ako?

STEEMIT DIVERSIFY - NEW JULY 2018 - iwrite.jpg

Paano Na | Ecency