Kung Ano Man Iyon

Words
208
Reading
1 min
Listen
Play
8y

Kung minsan hindi mo maintindihan
ang likaw ng utak ng tao, oo nga may
kanya-kanyang ugali, pananaw, relihiyon,
kulturang nakagisnan, gawing hindi
mo mawari kung tama ba iyon sa
paningin mo pero para sa kanya
iyon na ang nakagisnan niya.

Lahat naman nagkakaroon ng mga
pagkakaiba sa kung ano man iyon
na madalas pinagtatalunan ng
kung sino ang sangkot sa pangyayaring
iyon, pero, masasabi mo bang
lahat ay tama gayong ang lahat naman
ay nagkakamali, lahat naman ay
puwedeng ayusin kung tutuusin,
ngunit dahil na rin sa kung ano
ang nakagisnan aakalaing iyon ang
wasto o tamang pinaninindigan
niya hanggang sa libingan niya!

kunganomaniyon
SOURCE

Sa ating pagkatao bilang Pilipino,
wala naman din tayong ipinag-iba
sa ibang lahi, magkakaiba lang sa
hitsura pero tao pa rin naman silang
katulad natin, kaya lang may mga
lahing iba ang tingin sa atin, sulyap
pa lang par aka nang hinusgahan
sa kulay ng iyong balat, estado
ng iyong buhay, pinag-aralan,
ekonomiya hanggang sa kadulu-duluhan
ng iyong talampakan at pagkatao!

May halong dayuhan ang ating lahi,
Halo-halo na rin ang manipestasyong
sumasangkatauhan sa atin, higit na
sanang maintindihan natin kung sino
tayo kaysa mga taong hindi tagarito
ang nagsasabing mas parang kilala
pa nila tayo kaysa tayong nagmamay-ari
ng ating tunay na pagkatao!

STEEMIT DIVERSIFY - NEW JULY 2018 - iwrite.jpg

Kung Ano Man Iyon | Ecency