Ang Bulong ng Nagtatanong

Words
282
Reading
2 min
Listen
Play
9y

a poem of a guy waiting for the love of his life to give him the precious YES

heart-scribble.jpg
source

Liwanag noo'y aking hinahanap
ngunit tanging alitaptap lang ang kumikislap.
Na tila ba'y untiunting tinataboy ng hangin
at tanging natitira sa akin ay dilim.

Akala ko'y ikaw na ang ilaw
sa paraisong akala ko ay may bughaw.
Subalit nang ako'y dumating,
Tila ba'y may bulong na humihiling.

Sumilip ang ilaw at may paparating,
isang anyo ng taong kinakain ng dilim.
Papalapit ka habang gumagapang
pasan moy hagupit ng inyong nakaraan.

Nilapitan kita
at ako'y iyong hinila.
Gustong abutin at pakinggan ng tenga,
ang bawat salitang kasabay ng hininga.

Kasabwat ng umaga ang gabi,
nag-aantay na babalik kang muli.
Nakatadhana man ang tama at mali,
Ninanais parin na sabay tayong ngingiti.

Kalimutan ang nakatagong bangungot,
paliparin sa hangin ang bawat lungkot.
Unti-unting buklatin ang pahina ng saya,
palitan ang pamagat ng ligaya't pag-asa.

Sa iyong panandaliang paglisan,
lumakad ka't lumayo sa nakaraan.
Lumapit ka't ako'y maghihintay,
hayaan mo sanang mahalin kang tunay

Narito ako't bumubulong, nagtatanong.
At ang bawat bugtong ay may karugtong.
Isisigaw ang pag-ibig at tataya ako
makamit ko lang ang ipinagdarasal kong oo.

Dumayo tayo sa hardin na nagagalak,
pipitasin ang bawat tuyong bulaklak.
Paiilawin ang bawat alitaptap upang kumislap,
didiligan ang pagtitinginang lubos na pinapangarap.

Bulong koy isang tanong,
sagutin mo kung saan ito hahantong.

National_Thank_You_Day.png

Please support surpassinggoogle@surpassinggoogle as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Please like teardrops@teardrops on Facebook and Twitter:
https://www.facebook.com/teardropstokens/
https://twitter.com/teardropstokens

DQmU6EHRF2Pj2uHqT9hQtTHPVgmyBWgKoNeoPGWNB7Zo7Pj.png

Ang Bulong ng Nagtatanong | Ecency