"PAGHANGA" by:ISBN

isbn(25)
Published in
#6
Words
214
Reading
1 min
Listen
Play
9y

Kaibigan kong di ka gwapuhan
Salamat sa mga araw na ikaw ang dahilan
Dahilan kong bakit ako masaya ng tuluyan
Mga ngiti at lukuhan

Napaibig na di sinasadyang pagkakataon
Ako'y tinatamaan
Kunting kibot mo nagpapagaan
Tigil na baka ako'y matuluyan

Ang sarap mong kakulitan
Hindi man araw-araw ikaw ang dahilan
Nang mga ngiti sakin
Tama na baka ako'y mahulog,di mo pa sasaluhin

Ikaw ay di namamansin
Ako ang papansin
Ngayon subra na ang bigay pansin
Diko akalain na panahon

Bakit ang bilis ng nararamdaman?
Noon ikaw lang ang aking inaasam na kakwentuhan
Ngayon kay bilis pa ni kupido ang pagpana sa akin
Diko akalain na kay bilis rin

Mabilis na pagkawala sa nararamdaman
Nararamdaman para sakanya
Salamat sa bigay mong kasiyahan
Ito di ko ibabalewala

Salamat sa kunting pagkakataon
Pagkataon na may naramdaman rin
Naramdaman para sa kanyang kaibigan
Sa kunting panahon

-6:10pm
March 22,2018
Thursday

Ang tulang to ay malayang nagpapahayag para sa kanyang kaibigan na hindi niya kayang sabihin sa harapan. Dahil sakanyang kaibigan nagbago ang kanyang pananaw. Masaya na siya at malayang nagmamahal kahit ito'y takot sa kakalabasan dahil ito pa man ay galing sa matinding karanasan/pighati sa kanyang kabiyak.

Itong tula to ang tungkol sa karanasan ko pero di lahat ng nasa pyesa ay tungkol sakin may idinagdag lang ako.