
image source
Ang Pag-ibig ay masarap pakinggan
Ngunit kung di mo kayang panindigan
Itigil mo na lang para wala kang masaktan
At kung ayaw mong maiwanang luhaan
Sa Pag-ibig ay maraming isasakripisyo
Lalong-lalo na sa iyong iniidolo
na kahit masakit kailanga'y tanggapin mo ang totoo
na ito'y kailan ma'y hindi magiging iyo
Ang Pag-ibig ay parang tinik ng rosas
na kahit masakit ay tinitiis
Ang Pag-ibig ay para ring sibuyas
na nagbibigay luha kapag ika'y di na makatiis
Ang Pag-ibig ay isang instrumento ng pagmamahalan
ng isa o dalawang nag-iibigan
na kung hindi pinahahalagahan
ay walang mahahantungan
Salamat sa pagbasa mga kaibigan :)
Nawa'y abangan ninyo ang aking susunod na mga tula.