Hay naku!
Bakit ba ganito ang buhay nang tao,
Kailangan mong masanay sa mga taong kasama mo
Kailangan mong tanggapin ang turing nila sayo
At masanay sa buhay na ganito
Bakit ba kailangang pasukin mo ang buhay nato
Hanggang kailan mo pagtitiisan ang mga tao dito
Di na ba matatahimik ang buhay mo
Sana'y magbago na kayo
Bago pa nya maisipang tapusin ang lahat nang 'to
Dahil siya'y sawang-sawa na
Sa inyong pangungutya
At pagbabalewala
Baka dumating ang araw na siya'y mapuno na
At mapagod na sa pagpapasensya
At hindi na nya makaya
Baka ang masabi na lamang niya ay Paalam na!!!