"Aking Mahal"(tagalog-poetry)

Words
270
Reading
2 min
Listen
Play
8y

love-2055372__480.jpg
https://pixabay.com


Sa aking paglayo anong bigat ng aking puso,
Halos di ko maihakbang ang aking paa kung saan ako patungo.
Mga yakap mo ng buong higpit ay pilit ko iwinawaglit,
At aking tinandaan ay iyong pangakong di mo ako ipagpapalit
.


Kay inam isipin na ikaw ang ibinigay ng Diyos sa akin,
Masarap magmahal at saka malambing.
Tapat sa pangako at di sinungaling,
At puno ng pangarap para sa magandang buhay natin
.


Anong saya ng puso ko pag ikaw ang kasama,
Laging nakangiti at at puno ng ligaya.
Minsan di ko tuloy maiwasan magdrama,
Dahil sa piling mo ako ay masaya, kaya mga mata ay napapaluha
.


O' aking mahal sana ay di ka magbago,
Sana laging ganito kahit matanda na tayo.
At di magsasawa sa pagmamahal mo,
Dahil ang pag-ibig mo ay wagas at totoo
.


Kahit malayo tayo sa isat isa,
Sa puso ko ay mananatili ka.
Ikaw lang dito ang nag iisa,
Dahil ikaw lang ang aking mahal at wala ng iba
.


Sana po nagustuhan nyo ang aking simpleng tula. At maraming salamat po sa pagbasa, at hanggang sa muli mga kaibigan.馃槉

Screenshot_2018-04-24-17-07-12-1.png

greatwarrior79.png

DQma7A1Z2iFe87xaJkkVcg3tuYGRLRsN9435jojjFLp9vR5.gif

DQme842YQ8AXsskyFzJhrfZ5VvjzHDz5DYu47iJsSuvMHRd_1680x8400.jpg

Support and Vote "steemgigs" for witness. It will be really helpful. He run a full public RPC 256 GB node as well to balance the steem ecosystem on "wss://steemd.steemgigs.org"
To vote my witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses.
If you want surpassinggoogle@surpassinggoogle to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy.
Join us in Steemgigs Community on discord: https://discord.gg/CGuPyyT

DQmUespkYTcA8pRPaJuR1deHVi91Mv3MFjr1Ukbvwwdwmg9.gif

"Aking Mahal"(tagalog-poetry) | Ecency