Yung nakaraan araw nagkaroon ako ng prebiliho na makilala ang ilan sa mga tao nasa likod ng Musikalye. Pero bago sa lahat anu nga ito
Ang musikalye
ay isa lamang sa taonang aktibidad ng Yakapin Ating Kultura't Kalikasan Alay sa Lipuna (YAKAL) na kung saan kumikilos sa hanay ng maka-kalikasan pakikibaka.
Kaugnay nito para sa ikalawang taon ng Musikalye ay nais ialay ng gawaing ito ang pagunita sa ating mga dakilang bayani magmula sa panahon ng kapighatian sa kamay ng kolonyalistang mga kastila sa pangunguna nila Andres Bonifacio, Macario Sakay, Jose Rizal at marami pang mga bayani ng ating lahi ang di nakilala.
Sa modernong panahon ating binibigyan ng pagkilala ang mga bayaning buhay ng ating bayan sa pangunguna ng Uring manggagawa na lumilikha ng yaman ng Bansa, sila ay walang iba kundi ang ating mga Manggagawa sa Industriya, Magsasaka, Ofw, Doktor, Guro, Driver at marami pang iba.
Hindi lingid sa ating kaalaman na ang kanilang kalagayan ay nasasadlak sa ibang anyo ng mapanupil na mga patakaran sa hagupit panlipunan.
Katulad noon hanggang ngayon tayo ay nasa gitna ng digmaan na nagiba lamang ng anyo at pamamaraan.
Kaya naman ang araw na ito ay magsisilbi hindi lamang pagkilala sa kanilang kadakilaan kundi pagpapatuloy ng di panatatapos na laban. Gamit ang mapagpalayang musika at iba pang obra na magiging batingaw sa bawat sambayanang pilipino para hanapin ang tunay na Panlipunan hustiya.
***depinisyon ay galing dito
Bukod ang awitin sa binigay nila kami ng pagkakataon na ibagahi ang Steem at SteemPH sa kanila programa.
(mula sa kaliwa) Marlon Punsoy Ja Reliyadad at Mayi Chavez
Kung gusto niyo mapanood ang nakaraan taon Musikalye pwede panoorin dito
Huwag ka mag isip kung pupunta ka dito. Kung guto supportahan ang tunog ng sariling atin. Pumunta ka!