Isang buong linggo na naman ang nagdaan at nagpapasalamat ako sa Dios dahil nandito na naman ako upang magbahagi ng aking panibagong repleksyon dito sa Community.
Subalit, bago ang lahat magpapasalamat muna ako sa Dios dahil sa walang sawa Niyang pagmamahal sa akin sa buong linggo at nagpapasalamat ako sa palagiang pagbibigay sa akin ng lakas at magandang pangangatawan araw-araw.
Ang aking ibabahagi nga ngayon ay isang maganda na namang topic dahil ito ay nagtutukoy sa pagtulong sa kapwa, lalong lalo na sa mga dukha. Ang pamagat nito ay, "Benepisyo ng Pagkaawa sa Dukha".

Ang mundong ating ginagalawan ay maraming mga iba't ibang klasing estadu ng mga tao, meron mga mayayaman, merong tama lang at merong mga mahihirap o dukha.
Marahil itong mga ito ay nangyayari bunga na din ng ating mga ginagawa o kaya ay pinanganak tayo na nandito na tayo sa ating mga estadu ng ating buhay bunga na rin ng ating mga pamilya.



Sa tanong, kung tayo ay mga mayayaman o yong mga taong sakto lang ang pamumuhay, ano ngaba ang ating makukuha o ang benepisyo kung tumulong tayo sa mga dukha.
Kung ating titignan sa ating mga kapaligiran, o kahit saan pa man, marami tayong mga nakikitang mga dukha. Mga taong nangangailangan ng ating tulong.
Tayong lahat ay ginawa ng Dios upang gumawa ng mabuti sa ating mga kapwa kung kaya mas mabuting tayo ay tumulong sa mga taong nangangailangan ng ating mga tulong lalong lalo na ang mga dukha.



|
|---|
Kung ating babasahin at unawaing mabuti ang Salita ni Dios na ating mababasa sa itaas, ito ay nagsasabing, ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa Dios.
Na parang bang ang Dios ang nagkakautang sa atin kung tayo ay tumulong mga sa dukha ng buong puso. Kung kaya tiyak na meron tayong makukuhang kapalit galing sa Dios dahil ang Dios ang nagkakautang sa atin.
Sabi pa nga na, ang ating mga mabuting gawa ay babayaran, ibig sabihin lamang nito na hindi magiging baliwala ang ating pagtulong sa ating mga kapwa, lalong lalo na ang mga dukha.
Dahil ang Dios ang nagkakautang sa atin, hinding hindi pwede na hindi tayo babayaran ng Dios. Darating ang panahon na tayo ay nangangailangan ng tulong, tutulongan talaga tayo ng Dios.



|
|---|
Isang magandang halimbawa kung tayo ay tutulong sa mga dukha at makakatanggap tayo ng gantimpala ay mababasa mismo natin sa Salita ng Dios sa Mateo 10:42.
Ang sabi dito ay kahit na magbigay tayo kahit pa isang basong tubig sa isang taong nangangailangan ng tulong lalong lalo na ang mga dukha ay titiyakin ng Dios na tayo ay makakatanggap ng gantimpalang galing sa Dios.
Kung atin ding babasahin ang Salita ng Dios sa Mateo 25:34, dito sinabi na mamanahin natin ang kaharian ng langit kung tayo ay tumolong sa mga dukha, isang malaking gantipala ang ating makakamtan.
Ngayon nandito na tayo para sa aking huling masasabi sa repleksyon na ito, ang topic ay talagang nakapaganda dahil ito ay nagpapa-alala sa akin na kailangang ako ay tumulong sa mga dukha, at hindi lang sa kanila kundi tumulong sa lahat.
Maging matulongin sa kapwa tao lalong lalo na sa mga taong nangangailangan ng tulong hangga't tayo ay may kakayahang tumulong sa kapwa dahil kung tayo ay tumulong sa kanila, meron tayong aasahang gantimpala, hindi dito sa lupa kundi doon sa langit na galing sa Dios.
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Benepisyo ng Pagkaawa sa Dukha", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.