Nitong mga nagdaang mga araw, medyo naging abala talaga ako dahil meron kaming isang linggong gawain na hindi ko dapat palampasin dahil ito ay nakapa importante.
Kung kaya ngayon lang din ako naka balik sa pag bahagi ng aking topic review o aking repleksyon sa isa na namang topic na napaka importante at marami na naman tayong matutunan.
Ang ating bibigyang reviews o repleksyon ay meron napakagandang aral na dapat nating matutunan dahil ito ay tungkol sa panalangin. Ang pamagat nga ay, "Ano ang Panalangin?"
Araw-araw sa ating mga buhay habang tayo ay nandito pa sa mundong ito, kailangan natin ang Dios dahil ang lahat ng meron tayo ay galing sa Kanya kung kaya hindi dapat tayo mabahala sa kahit na anoman ang mangyayari sa atin.
Kung ating tatanongin kung ano ngaba ang "Panalangi"? Marami ang ating masasagut batay sa ating mga ginagawa o mga paniniwala. Pero ang panalangin ay ang ating paghiling sa Dios at hindi yong parang tayo lang ay nagbabahagi lang ng estorya.
|
|---|
Tayo ay humiling sa Dios sa lahat ng ating mga pangangailangan sa araw-araw, na bagamat tayo ay dumaraan sa mga problema o nababalisa, tayo ay hinding hindi pababayaan ng Dios.
Manalangin tayon sa Dios kasama ng ating mga daing na may pasasalamat sa Dios. Ang ating mga hinaing o sa mga bagay na tayo'y mababalisa tanging panalangin natin sa Dios at tayo'y hindi na mangangamba dahil sa Dios lang ang ating kapahingahan.
Maraming mga tao sa mundong ito na sa tingin natin masaya na sila dahil nasa kanila na ang lahat dahil marami silang pera pero minsan magiging dahilan ito upang marami ang made depress o magkaka problema at minsan dahil sa mga paniniwalang hindi galing sa Dios, sa iba sila nananalangin.
|
|---|
Tanging sa Dios lang tayo manalangin at wala ng iba. Hindi tayo dapat manalangin kay Maria, kay Juan, Pedro at iba pang kinikilalang mga santo dahil tao lamang sila. Ayon sa Kanyang Salita, manalangin tayo ng "Ama namin na nasa langit", at hindi sa mga pangalan ng kahit na sino mang mga tao.
Habang tayo nga ay nandito pa sa mundong ating tinitirhan ngayon, marami din tayong maaaring pagdadaanan sa buhay na maaaring humantong sa pagka balisa o nagkaka depressed at itong lahat ay normal lamang dahil ito na talaga ang ating pamumuhay sa mundong ito.
Para sa aking pang huling replekayon o mga natutunan ko dito sa topic na ito, masasabi ko lang na napaka buti talaga ng Dios sa ating mga buhay. Handa ang Dios na tayo ay tulongan basta handa lang tayong manalangin sa Kanya.
Ating natutunan na hindi talaga tayo makaka iwas na tayo ay dadaan sa mga problema o nagdudulot sa ating pagkabalisa, pero bagamat tayo ay dadaan dito, hinding hindi tayo pababayaan ng Dios dahil handa Siyang tayo ay tulongan kung tayo ay handang manalangin sa Kanya sa bawat araw sa ating buhay. Tanging sa Dios lang tayo dapat manalangin at wala nang iba.
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Ano ang Panalangin?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.
Your Friend
@godlovermel25
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.