Ang aking Repleksyon sa Topic na: Aral para sa Mag-asawa Part 1
Magandang Araw sa ating lahat at salamat sa Dios! 馃槆
Unang una po sa lahat, malaki ang aking pasasalamat sa Dios dahil sa nakalipas na dalawang video na naking nakita mula sa MCGI na pinangunahan ni Bro. Eli Soriano ay marami talaga akong natutunan at itong lahat ay sa tulong ng Dios na nasa langit.
Ngayon naman ay meron na naman bagong aral na aking matutunan bagamat ang topic na ito ay para sa mag-asawa na kung saan ako ay wala pa sa ganitong estao nang aking buhay, malaking tulong din dahil nakakapagbigay ito ng dagdag kaalaman sa kung sakali ay papasok na ako sa ganitong estado ng buhay.
Ang unang sinabi ni Bro. Eli Soriano sa video na ito na nakakuha nang aking atensyon ay ang sinabi niya na, "Ang paniwalaan natin ay ang nagiisang guro na nasa langit" at totoo naman ito dahil wala nang ibang mas dapat nating paniwalaan kundi ang guro na nagmula sa langit at ito ay ang ating Panginoong Hesu-Kristo. Marami naman tayong pweding paniwalaan, pweding magulang natin na silang unang guro natin, ang mga guro natin sa paaralan na nag turo ng dapat nating matutunan, ang ating mga kaibigan o ating asawa pero alam naman natin na kung minsan ay hindi natin sila mapagkakatiwalaan dahil tao lamang sila pero kung sa Dios tayo maniwala, kung sa ating Panginoong Hesu-Kristo kayo maniwala na Siyang tunay naying guro tiyak na maganda ang ating kinabukasan.
Ang bukod tanging aral na ating paniwalaan ay ang aral na itinuro ng ating Panginoong Hesu-Kristo, ayon ito sa salita ng Dios na ating makikita sa 1 Timoteo 6:3 na nagsasabing ang aral nang ating Panginoong Hesu-Kristo ay nagtuturo ng kabanalan. Kung ating makikita, ang mundo natin ngayon ay puno na nang masasama at hindi kaaya-ayang mga pangyayari o aral lalong lalo na sa Social Media kung kaya sa tulong ng Dios ay hindi ito maging hadlang upang matutunan natin ang aral ng ating Panginoong Hesu-Kristo patungo sa kabanalan.
Ika nga ni Bro. Eli na, "Wala nang ibang mas magandang aral kundi yung aral ng ating Panginoong Hesu-Kristo - yong aral na ayon sa kabanalan." At totoo naman talaga itong lahat kaya labis ang aking pasasalamat sa Dios dahil sa mga nalalaman ko mula sa Salita ng Dios at sa programang ito.
Panghuling aral na aking nakuha dito ay, habang tayo ay nabuhuhay, tanging sa Dios lamang tayo makakakiha ng tunay na kapanatagan dahil sa pamamagitan ng mga aral na itinuro ng ating Panginoong Hesu-Kristo, mas maging maganda at maayos ang ating pamumuhay, maraming mga pagkakataon na naging mali ang ating desisyon pero nandyan ang ating Panginoong Hesu-Kristo handang tumulong at mag turo sa atin sa kung ano man ang dapat nating matutunan sa tulong ng Kanyang mga Salita na nasa Bibliya.
To God be all the Glory! 馃槆馃檶鈽濓笍
Your Friend
@godlovermel25
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.