"PAGSUBOK"
Pagsubok, ano ka nga ba?
Ano ba ang dulot mo?
Kaligayahan o kahirapan?
Sabi nga nila ang pagsubok ay,
Sadyang ibinigay ng Poong Maykapal
Para malaman ang iyong pananalig at katapatan.
Ngunit kahit anong dasal sadyang
Pagsubok ay mahirap malagpasan.
Ang pagsubok na naranasan ay sadyang kaytagal,
Ngunit kaligayahan ay kakarampot lamang at
Ito ay paulit-ulit na lang.
Pero hanggat ako ay nabubuhay,
Ako ay kakapit lang.
Lahat ng PAGSUBOK ay magawan ng paraan.
Basta pamilya ko ay buo ito ay aking makakaya at mapagtagumpayan.
Kahit ilang ulit o buong buhay akong magdasal,
Hiling ko man minsan ay hindi pinagbigyan,
Sa Maykapal katapatan at pananalig ay sa Kanya lamang.
PAGSUBOK, oo nga ay kayhirap,
At ligaya ay kay salat.
Basta kasama ang pamilya at tagos sa puso ang ligaya,
Ako ay magpapatuloy sa agos ng buhay.
Laban lang!!!
Ito ang una at alam kung hindi huli, sa pagsali sa patimpalak ni ginoong @jassennessaj at ako ay nagpapasalamat. Hindi man ako marunong sa tulang Ito pero sinubukan ko lang at sana ay iyong magustuhan.
Ang inyong maylikha,