Mayron tayong adhikaing dapat lamang maituloy
At tamuhin ang tanguhing sa palad ay dumadalouy.
May pangarap na dapat lang kaagad mong mailunsad
sapagkat kung magpabaya baka ito’y makalipas.
May pangarap na nabuo na dapat lamang isagawa
Upang itong balakid ay kaagad mong masansala.
May proyektong malaon dapat lamang masimulan
Kaya agad kumilos ka, nang di lalong mabalam.
Mayro’n ding posibilidad na dapat lang galugarin
Kapag iyong pinalampas wala ka nang yayakapin.
Mayron’d ding pagkakataong agad samantalahin
pagkat kapag nakaraan, wala ka nang dadakmain.
May ideyang dumarating dapat lamang ipatupad
upang itong panitik mo kaagad na maiahad.
Mayron’ tayong kahatulan na bigyan mo’ng pagdakila
pagkat iyan pag lumipad, baka sadya nang mawala.
Ilunsad mo ang layunin sa malawak na kalangitan
Upang sdyang sa palad mo dumapo ang katuparan.
Isinulat ni: @emilymengote03
Image source: googleimages