Naging Pag-ibig Isang Simpleng Paghanga

Words
122
Reading
1 min
8y
Listen to this post
~1 min

download.jpeg

Nung ikay unang masilayan
tandang tanda ko mula sa aking inuupuan
Mga ngiti moy ang sarap pagmasdan
At mga itoy biglang naiukit sa isipan

Nagsimula ang lahat sa isang simpleng paghanga
Sayong kagandahan akoy namangha
Sa bawat araw na ikay aking makita
Napapaisip ako ikaw bay isang diwata

Sa patuloy na pag ihip ng hangin
Simpleng paghanga naging malalim na pagtingin
Araw araw na aking dinadalangin
Na sana minsan sa akin ibaling ang tingin

Dumaan ang iilang taon
At tila akoy nanatiling nakakulong pa rin doon
Sa pagibig ko sayo noon
Na inakala kong mawawala sa paglipas ng panahon

Ngunit akoy nagkamali
Dahil naiisip ka sa bawat sandali
Sabik na makita iyong mga ngiti
Na unang bumihag sakin dati

photo not mine

Naging Pag-ibig Isang Simpleng Paghanga | Ecency