Mangmang sa Bangin

emdesan(57)
Published in
#poetry
Words
110
Reading
1 min
9y
Listen to this post
~1 min

IMG_20171020_131029.JPG

Takbo, tuliro, pagod na
Biglang tunog ng sirena
Takbo uli, tuliro na
hahabol pa
Hawak sa kuwarta
Dahil sa'yo hinahabol
ang isang mangmang mukhang
Alam ang kanyang ginagawa
Ngunit mangmang pa rin siya.

Tumatakbo sa mga eskinita
Wala ng daan diyan, pre
Akyatin mo ang pader
May asong nakabantay sa tatalunan,
dre

Mamatay sa gutom,
Kumain ng pagod
Nilalamig sa init ng araw
Napapaso sa ulan
Baliktad na ang mundo
Takbo, tuliro, pagod na
Mahuhulog ka na sa bangin

Photo Credit: UPHL Gazette Banaag Literary Journal Tomo IX 2011 "Ped Xing" page 24

If you like my poem please:

📍 UPVOTE

📍 COMMENT

📍 RESTEEM

emdesan@emdesan

Mangmang sa Bangin | Ecency