Photo Is Mine - My Grandson
pagsapit ng gabi himig ng musika
mula sa gitara mo ay aking naririnig
sa kabilugan ng buwan
malamig na simoy ng hangin
harana mo ay masarap pakingggan
tinig mo ay kay sarap damhin
ginigising ng iyong awit
ang nahihimbing kong puso
bawat titik na iyong binibigkas
pinupukaw ang bawat himaymay ko
habang kita ay pinagmamasdan
sa sinag ng kabilugan ng buwan
ang silweta mo habang umaawit
kasabay ng pagkaskas ng gitara
umiindayog ang isipan sa tuwa
lumulundag sa saya ang puso ko
ikaw na aking lihim na nililiyag
ngayon sa aming bakuran
ako ay inaawitan at sinusuyo
sa pamamagitan ng iyong harana