Tanaw

Words
119
Reading
1 min
9y
Listen to this post
~1 min


Sulyap sa iyo'y hindi maikubli
Malayo palang ako'y napapangiti
Kaba sa dibdib ay hindi máitatanggí

Pangarap ko'y kahit minsan ika'y makasama
Magkaroon ng pagkakataon na tayo lang dalawa
Na walang problema, walang kontrabida
Na hahadlang maging sa ating pagsasama

Tunay nga na maganda't mahiwaga ang buhay
Tangan ang pag-asa, buhay ay magiging makulay
Sa nakatataas, hiling ay basbas at gabay
Dito ay walang hihigit kahit ano pang ang bagay

Sa kabilang banda, ika'y pangarap na lang ba?
Hindi ko mawari, mahirap masuri
Wala na bang pag-asa sa bawat isa?
Oh sadyang, ito marahil ang itinadhana


Thank you for reading STEEMITPH,STEEMITUAE,STEEMGIGS
Credit image to PIXABAY
don't forget to follow and up vote
THANK YOU!
© 2018,dennis041713. All rights reserved

Tanaw | Ecency