Magandang araw mga kabayan kong steemyans, ito po ang aking pagtugon para sa panawagan ni Ginoong
@jassennessaj, para sa kanyang patimpalak Na may temang "GINTONG MEDALYA", Ito po ay aking orihinal na kathang tula, ito po ang aking entry, marami pong salamat at sana ay maibigan nyo.
Kay dami na ng pinagdaanan ngunit hindi ka parin mahagkan.
Iginugol na sayo ang buong panahon at oras, Ang makamtan ka at mahawakan ay para bang pangarap na lamang.
Ilan unos paba ang dapat kong harapin at pagdaanan, Sa sobrang pagpapagal, halos sumuko na sa laban, pero sabi ng isip kaya mo pa yan, wag kang susuko pagkat pagsubok lamang yan
Para sa iilan napakadali mong pitasin ngunit bakit sa akin, kahit ika'y akyatin napakahirap mo pa rin abutin,
Paano ka nga ba mapapasa akin kung lahat ng aking gawin ay hindi pa rin sapat para ikaw ay mapasa akin
Sa pag-uwi ng bahay, tunog ng saya at galak ang nag-aantay, nakangiting mukha ay naka-antabay, habang papalapit kay Ama at Ina, biglang tumangis, luha ay dumaloy ng hindi sinasadya.
Pag lapit ay biglang yumakap ng mahigpit, bumulong sa hangin ng may malambing na tinig, Ang "GINTONG MEDALYA" ay hindi nakamit pagkat tanging pagkabigo ang aking bitbit.
Nang maya-maya may biglang narinig, ang tinig ni Ina.
Isang tinig na nagsasabing huwag akong mag-alala. Ang nais kong ibigay sa kanila ay matagal na daw nilang naasam, ang makita nila akong lumaki ng puno ng pagmamahal at may takot sa diyos ay ang tunay na "GINTONG MEDALYA" para sa kanila
Steemitly yours
cradle
Please like
@teardrops on Facebook and Twitter:
https://www.facebook.com/teardropstokens/
https://twitter.com/teardropstokens