Pagbati sa lahat ng kapwa ko steemyans! Ito po ang aking orihinal na katha at opisyal na lahok para sa patimpapak ni ginoong @jassennessaj sa kanyang Word Poetry Challenge na may temang "PANGARAP".
Kahit isang karaingan ay hindi kinakitaan.
Pagsubok sa buhay ay pilit nilabanan,
Mai-ahon lamang ang pamilya sa kahirapan.
Para mapunan ang pagkalam na tiyan.
Hindi alintana ang pagod at sakit ng katawan,
May mailapag lang sa hapag-kainan.
Sana'y pagpalain ang dalangin sa lumikha.
Walang ibang hiling kundi ang makapag-impok,
Upang sa tahanan ng edukasyon ako'y makatung-tong.
Na bunga ng inyong sakripisyong dinanas.
Pagyayamin at iingatan upang di masayang,
Na siyang tulay sa pagharap sa panibagong bukas.
Upang suklian ang lahat ng inyong hirap.
Magpakabuti at makinig sa lahat ng mga aral,
Nang pamanang "PANGARAP" ay matupad.
Kung nais lumahok sa patimpalak na ito tapikin lamang ang link na ito para sa karagdagang impormasyon Word Poetry Challenge
https://www.facebook.com/teardropstokens/
https://twitter.com/teardropstokens